Bandilang Pula

PAGSALAKAY BINIGO!

Pebrero 1971


Written by: Anoymous;
Published: Bandilang Pula, Ika-5 ng Pebrero 1971;
Source: Bandilang Pula, Ika-5 ng Pebrero 1971
Markup: Simoun Magsalin.


Si Pastor “Sonny” Mesina, ang estudyanteng binaril ni Propesor Inocentes Campos ng Math Dept. noong Lunes, ay tuluyang nawalan ng buhay kahapon, Huwebes, Pebrero 4, 6:30 nga Veterans Memorial Hospital. Dahil sa natamo niyang tama sa ulo, si kasamang Sonny ay nawalan ng malay at nag-aagaw buhay hanggang kahapon. Ang kanyang katawan ay kasalukuyang nasa Our Lady of Perpetual Help Chapel ng Project 8, Quezon City.

Si kasamang Sonny ay isang freshman, graduate ng Philippine Science High School, kasapi ng Nationalist Corps noong unang semestre at aplikante ng SDK-UP.


Sa pakikiisa ng mga mag-aaral ng Pamantasan ng Pilipinas sa pag-aaklas ng mga tsuper na nagsimula noong lunes, ika-1 ng Pebrero ay nagkaisa silang magtayo ng barikada. Ang barikada ay inilugar sa mg pargunahing daraanan ng mga sasakyan sa loob ng kampus. Bawat sasakyang nais na pumasok ay pinakiusang huwag na magtuloy at kung nais na pumasok sa loob ng pamantasan ay maglakad lamang. Maraming nakiisa sa mga mag-aaral dahil batid nila ang ipinaglalaban ay hindi lamang sa kapakanan ng mga super kundi ng buong masang Pilipino na alipin ng imperyalistang Kano.

Ganap na ika-labingdalawa at kalahati ng tanghali ng dumating ang isang sasakyang pangsarili na ari ng gurong si Campos. Nilapitan siya ng mga magaaral at pinagsabihang hindi aaring ipasok ang sasakyan sa loob ng Pamantasan. Ngunit tila baliw na bumaba ang guro sa kanyang sasakyan at nagtatawang ikinasa ang dala niyang tatlung uri ng baril at ang isa nga ay iniumang sa mga magaaral at pinaputok. Marami ang mga nagsitakbo pagkat tila isang huromentado si Campos. At ng mga sandaling iyon si Pastor Mesina ay agaw buhay na ihinatid sa pagamutan ng mga Beterno. Siya ay nagtamo ng isang malubhang sugat sa ulo na likha ng ulol na hakbang ni Campos.

Sa tindi ng galit ng mga magaaral ay sinunog nila ang sa sakyan ni Campos. Si Campos ay dinakip ng kagawad ng batas ng Lungsod ng Quezon. Ang nasirang barikada ay dagling naibalik ng mga magaaral. Ng mga gawing hapon ay dumating ang tropa ni Karingal at ipinagutos na hulihing lahat ang mga magaaral. Sa kabila ng nais na pakikipagpaliwanagan ng mga magsaral at ng administrasyon sa lupon ng kagawad ng batas ay nawalan lahat ng saysay. Nadakip ang marami at kabilang na rito ang tagapangulo ng Sanggunian ng mga Magaaral si Ericson Baculinao. Pinawalan sila makalipas ang apat na oras na pagkakapiit sa presinto ng Lungsod ng Quezon.

Kinabukasan, Martes ay muling ipinagpatuloy ang barikada. Higit kaysa sa noong nakaraang araw ang dami ng mga nakiisa. Nang mag-ikasampu na ng umaga ay biglang natanawan ang isang sasakyang may bandilang nakalarawa’y karet. Naghihiyawan sila ng lumapit sa linya ng barikada ngunit hindi sila sumama. Pagtalikod na pagtalikod nila nabigla ang lahar ng matanawan nila ang mga pulis ng lungsod. Sa pagkakitangpagkakita pa lamang sa mga pasitang tura ay sapat na upang magalab na muli ang galit ng mga magaaral. Sumalakay na muli ang mga pulis, muli na namang nagpaputok ng ‘tear gas’ at pilit na binuwag ang barikada ng mga militanteng magaaral. Makalipas ang mahigit na dalawang oras ay muli na namang binuo ang barikada ngunit hindi pa rin umaalis ang mga pasistang uto-uto. Nagkaroon ng mga usapan pati ang pangulo ng Pamantasang is S.P. Lopez ay nakiusap na ring paalisin na ang mga sundalo ngunit naging bigo.

Muli na namang iniumang sa mga magaaral ang kanilang mga armas. Ang nangyari ay baril ng mga pasirang tuta laban sabato at molotov cocktail ng mga rebolusyonaryong estudyante. Napasok na muli ang harapan ng gusaling Administras yon. Madali namang nakagawa ng iba pang barikada sa harap ng Faculty Center, AS Building, Engineering atbp. Ang mga pasista ay hindi lamang sa pangunahing pasukan nagdaan kundi. sa likurang pasukan din sa daang Katipunan. Tagumpay nilang itinaboy sa isang lugar ang mga militanteng aktibista, hanggang maipit sila sa dormitoryo ng mga kababaihan sa Ka-

at Samapgita. Binomba ang dalawang dormitoryo ng “tear at mace na siyang ikinasakit ng marami. Maraming nahuli at nasaktan at karaniwan ay mga kababaihan. Pagkatpos ng malagim na sandaling yoon ay nagpulong na muli at nagmartsa sa buong kampus, dinaanan ang bawat dormitoryo. Bumalik sa harapan ng dalawang dormitoryo at nagkaroon ng kaunting talakayan at pagbabalak sa mga gawain para sa kinabukasan.

Sa pangatlung araw ng pakikibaka ay naging handang-handa ang bawat magaaral. Nagpulong ang buong magaaral sa harap ng AS Building at ng nagsasalita na si pangulong Lopez, ay nagkaroon ng mabigong pagpasok sa harap ng Faculty Center. Nagkaroon ng panaka-nakang pagsalakay ang mga pasistang tuta ngunit hindi sila nagtagumpay sa kanilang hangaring pasukin ang pamantasan. Mag iikaapat na ng hapon ng muling magkaroon ng paghahangad na pumasok. Nakipagsagupaan ng puspusan ang mga matatag na estudyante hanggang tuluyang umurong ang lupon ng pasista. Ngunit bago sila tuluyang umurong upang ipakita ang kanilang pagkapikon ay ipinabuldoser nila ang mga nakahambalang na gamit na pangbarikada. Maraming mga “false alarm” at iba pang mga paninirang usap, tulad ng pagsosona sa buong pamantasan, ang pagkakaroon ng “mass arrest”, pagsalakay sa hating-gabi, na nagiwan sa lahat ng pagkamulat buong magdamag. Nang magmamadaling araw na nagkaroon ng malimit ngunit hindi sukdulang pagsalakay hanggang magiikawalo ng umaga. Buong maghapon ay tiyagang nagbantay ang bawat isa. Dumating na naman ang gabi, naging mapayapa ang malayang pamantasan.

Sa tatlong araw ng pakikibaka laban sa mga pagsakop ng mga tutang pasista sa isang malayang pamantasan ay nabanaag ang isang liwanag ng ikatatagumpay ng malawakang pakikibaka. Nakita na sa mga panahong tulad nito ang ibang mga reaksyonaryong tinuringan ay lilitaw kung saan sila tunay na pumapanig sa masang mapagmahal sa tunay na kalayaan ng bayan o sa mapagsamantalang pamahalaang paper ng imperyalistang Kano.